Sa pagkakaalala ko, mga 2018 noong mga panahon na nalaman ko ang tungkol sa bitcoin. Sa totoo lang, nakakatawang isipin pero halos magdugo ang ilong ko sa pagpupu,ilit na maintindihan ang konsepto ng cryptocurrencies. Paunti unti nagamay ko din naman sya at sa totoo lang medyo okay din naman pala. Siguro marami sa atin noong panahong iyon eh ang gamit na paltform as coins.ph, tama ba ako? Haha! Paglipas ng isa o dalawang taon, nangyari ang isang pangdaigdigang epidemia, si Covid-19. Oo mga ate at kuya, marami sa atin ang nawalan ng tranaho dahil dito at sa kamalasan eh isa po ang inyong lingkod. Kaya naman napadalas ako maginternet kasi madalas nasa bahay lang ako at takot din kasi ako mahawaan ng sakit. Sa maikling salita, doon na nga nagumpisa na maintindihan ko ng malawak ang bitcoin and di lumaon ang Web3. Isa sa mga proyekto na naging aktibo ako at tinuturing kong parang isang pamilya ay ang “Nym”.
Bakit nga ba si Nym ang isa sa mga komunidad na pinili ko? Ang “privacy”, ika nga nila, ay isa sa pinakamalaking salik na itinuturing kong napakaimportante sa buhay lalo pa kung halos 24 oras eh online ka. Hindi lamang dahil ako ay isang baguhan na nagiging dahilan upang ako ay mahina ngunit dahil inilalaan ko ang aking karapatan sa pagkapribado at ang pagkakaroon ng pribadong buhay ay isang bagay na mas ikinatutuwa ko kaysa sa pag-browse ng mga random na bagay sa Google. Tinulungan ako ni Nym na makamit ang privacy na kailangan ko habang nag-e-enjoy sa gusto kong gawin.
Kamakailan, isang magandang balita ang aking nabalitaan. Ang Nym VPN ay malapit nang ilunsad. Bilang isang aktibong “Nymja”, nag-sign up ako bilang early user at sa kabutihang-palad ay tinanggap ako. Salamat kay Nym, may pakinabang ako kung magagamit ko ang mga feature nito bago ito opisyal na maipalabas para sa pampublikong paggamit at sa parehong oras, maririnig ang boses ko dahil may pagkakataon akong magbigay ng mga feedback at mag-ulat ng mga bug kung sakaling makatagpo ako ng isa. Ito ay isang bagay na masasabi kong lubos na kasiya-siya para sa akin.
Kung interesado ka rin na masubukan ito sa maagang, may oras pa. Madali lang ang proseso kaya hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa mga teknikal na bagay. Ang kailangan mo lang gawin ay pumunta sa opisyal na website.
Mag-scroll pababa nang kaunti at makikita mo ito.
Punan ito ng iyong email address at i-click ang kulay pulang nasa gilid nya. Pagkatapos noon, hintayin mo lang ang email na nagsasabeng naaprubahan ang aplikasyon mo. Ganoon lang siya kadali mga ate at kuya ko.
Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa Nym VPN, walang dahilan na hindi. Ang kailangan mo lang gawin ay magtungo sa opisyal na Litepaper ng Nym VPN sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito sa ibaba.
👉🏿 https://nymvpn.com/nymVPN-litepaper.pdf
Isang bagay na dapat mong tandaan aypagdating sa “privacy”, mayroong tatlong pangunahing isyu na kinakaharap ang maraming mga VPN sa merkado ngayon.
Una, ang mga VPN ay hindi talagang pribado. Alam ng mga tradisyunal na VPN ang iyong pagkakakilanlan at ang iyong kasaysayan ng lahat ng ginagawa mo kapag nagiinternet ka. Pangalaw, kapag nagbayad ka para sa iyong VPN, ang iyong transaksyon ay regular na magkakaugnay sa iyong mga online na aktibidad, na lumilikha ng isang “trail” ng impormasyon na maaaring magamit upang masubaybayan ang kung tawagin nila ay “digital footprint”. Higit sa lahat, hindi sapat ang “encryption” at “secured” na transmission na proseso ng mga tradisyonal na VPN para maprotektahan ang iyong pribadong pagkakakilanlan ng lubusan. Maaari lang protektahan ng mga ito ang impormasyon mo ngunit hindi ang mga pattern ng komunikasyon mo.
Kaya nga ang nalalapit na paglabas ng NymVPN ay tutugon sa bawat isa sa mga pangunahing kahinaan na ito. Ang NymVPN ay hindi sentralisado at gumagamit ng isang nobelang onion encryption kaya’t ang app at imprastraktura ay walang access tungkol sa iyong mga aktibidad. Pangalawa, ang “zk-nym scheme” ay maaaring gamitin upang patunayan na may nagbayad para sa NymVPN, ngunit inaalis nito ang anumang maguugnay sa iyo o mga impormasyon ng credit card mula sa paggamit ng app. At ang huli, ang NymVPN ay magbibigay daan sa iyong pumili ng iba’t ibang mga mode para sa iba’t ibang pangangailangan. Halimbawa ay maaaring mangyari sa 2-hop mode nang walang patid, habang ang mas sensitibong pagmemensahe, mga email at mga transaksyon ay maaaring maganap sa mixnet para sa malakas na proteksyon.
Hindi doon nagtatapos ang lahat. Kung ikaw po ate ko at kuya ko ay katulad ko na tagapagtaguyod ng privacy ng bawat isa sa atin na naniniwala na “Privacy loves company”, Inaanyayahan kita na sumali sa aming lumalaking komunidad. I-click lamang ang link sa ibaba at ang mga susunod na hakbang ay mas mabilis pa sa alas kwatro ikaw nga nila.